Vote INTENTIONALLY!

Panahon na naman ng eleksyon. Sa totoo lang, kahit hindi ka pa botante, o hindi ka talaga botante dahil hindi ka nagpa-rehistro, paniguradong magiging aware ka na eleksyon na naman. Bakit? Eh sa bawat pagbukas mo ba naman ng telebisyon eh makakakita ka ng mga mukhang hindi masyadong pamilyar sa’yo dahil hindi mo naman nakikita sa mga soap operang inaabangan mo o hindi man lang nagiging guest sa mga palabas na kinagigiliwan mo, pero parang sikat na sikat. At minsan, may kasama silang sikat na artista. Para silang isang produkto na binebenta ng sikat na commercial model. Minsan din makikita mo sila sa mga tarpaulin sa kanto. Minsan mapapaisip ka pa kung anong brand ba ng toothpaste ang ineendorso nila sa ganda ng pagkaka-ngiti nila, pero mare-realize mong ang sarili pala nila mismo ang ineendorso nila.

At boom, alam mo na, eleksyon na. Continue reading “Vote INTENTIONALLY!”

Advertisements

Slam Dunk Dream

Ako si Christian. Bata palang ako mahilig na akong maglaro ng basketball. Eh mula yata nung matuto akong maglakad, yun na ang pinapalaro sakin ng papa ko eh. Tanda ko pa noong grade one ako, lagi ako excited dumating ang sabado kasi maglalaro kami kasama ang kuya ko. At syempre, ako pinaka-magaling. Eh ako lagi nilang pinagbibigyan eh. Ganun yata talaga, bunso eh 🙂 Continue reading “Slam Dunk Dream”

Hindi ka cockroach, ‘di ba?

Isang araw namasyal kami ng ng mga kaibigan ko. Nakakapagod kasi ang buhay eh. Parang paulit-ulit lang. Gigising ka, papasok, mapapagod, uuwi, matutulog. Syempre meron din naman break, at lahat ng break ay may kasamang pagkain. Pero ganun din, nakakasawa. Nakakapagod. Idagdag mo pa na maraming problema kaliwa’t kanan. Kaya pag gala time, gala to the max! Kaya ayun, masyado kami natuwa kakagala kaya ginabi na kami. Ayun, halos alas dose na ako nakarating sa bahay namin. Continue reading “Hindi ka cockroach, ‘di ba?”

Ang Sapatos Ko

Cute red little Adidas.

Yan ang description ng unang sapatos ko. Well, malamang hindi talaga yan ang unang sapatos ko, pero yan ang naaalala ng munti kong isipan. Siguro sapatos ko yan nung three years old ako. At kung original yan o imitation lang, hindi ko na alam. Hehe. Continue reading “Ang Sapatos Ko”

Pag-asa. Sa ingles, HOPE.

Bakit nga ba madalas naririnig tuwing bagong taon ang “Bagong taon, bagong pag-asa”? Idagdag mo pa ang “New Year’s Resolution” na parang hindi naman nababago taon-taon. Napansin mo ba? Well, sure akong napansin mo na. Dahil malamang, ikaw din mismo merong inulit sa  “New Year’s Reslolution list” mo 😀 Continue reading “Pag-asa. Sa ingles, HOPE.”