Rain, Rain, Go Away..

“Rain, rain, go away. Come again another day..”

Ilang taon na ang lumipas at ang awiting ito ay nananatili nalang sa isipan ko. Naalala ko nung bata pa ako, masaya ako tuwing umuulan. Hindi naman kasi ganun ka-istrikto ang nanay ko para pigilan ako maligo sa ulan kasama ng mga kaibigan ko. Nakakatuwa at nakakatawa. Tumatakbo kami sa kalye na parang walang nakakakita sa’min. Naghahabulan kami kahit wala naman natataya. Ang gusto lang naman kasi namin eh magtatakbo habang umuulan. Sa simpleng bagay lang na yun, sobrang masaya na kami. Pero syempre, noon lang yun, noong bata pa ako.Read More »

Advertisements

Doon sa Bus Stop

Bus-Stop-Waiting-690

Anong petsa na nasa bus stop pa rin ako. Inagiw at tinubuan na yata ako ng ugat kakahintay. Galing kasi ako ng SM North at pauwi ako sa Guadalupe. Hindi ko trip sumakay ng mrt kaya pinagtyatyagaan ko ang paghihintay ng bus. Pero hindi ko akalain na aabutin ako ng siyam-siyam sa paghihintay ng A or C na bus, yun kasi ang pwedeng huminto sa Guadalupe eh. Pero actually marami naman ng dumaan na A at C na bus, yun nga lang hindi airconditioned.Read More »