Nitty-Gritty Thoughts ♥

Move on, move on din ‘pag may time :)

Posted on: May 4, 2013

25275_1357426292705_5630191_n

Nagising ako isang araw na sobrang sakit ng kanang paa ko, hindi ako makatayo ng maayos at hindi ako makapaglakad. Kailangan ko pang i-exsercise sandali para kahit papano eh makalakad ako kahit paika-ika lang. Pero dahil sa sobrang sakit na hindi nawawala, kailangan kong umabsent at magpahinga muna.

Na-realize ko, bunga yun ng katigasan ng ulo ko. Two weeks na kasing masakit ang paa ko, pero nagjo-jogging pa rin ako halos araw-araw, liban nalang pag late ako nagigising. Kailangan ko kasing magbawas ng fats eh. Hehe. Madalas rin ako magmadali sa paglalakad kaya minsan napupuwersa ang paa ko. Paminsan-minsan kong nararamdaman ang sakit pero nawawala din naman agad. Yun pala, unti-unti siyang napu-puwersa at hindi gumagaling. Kaya nung araw na yun, pansamantala akong baldado.

At naisip ko, ganun lang din naman talaga sa lahat ng sakit..hindi pwedeng pinu-puwersa. Minsan, kailangan talaga ng panahon para magpahinga. Hindi rin pwedeng pairalin ang tigas ng ulo at sabihing ‘Kaya ko naman eh’. Kung ang mga super heroes nga nasasaktan din pag sobra-sobra na, ano pa tayo? Tao lang tayo na walang super powers. Tao lang na nagkaka-sakit, nasasaktan at nasusugatan. Kaya kapag may sakit, magpahinga. Huwag matigas ang ulo. Dahil kapag pinu-puwersa, lumalala.

At sa totoo lang, tulad din yan ng sakit sa puso. Walang pinag-iba. Kapag basag, durog, sugatan o duguan, kailangan ng pahinga. Hindi pwedeng daanin sa puwersa.

Kaya kung broken hearted ka, ipahinga mo muna. Wag mong papagurin. Petiks lang. Mag-facebook  o twitter lang muna. Pero siguraduhin mo lang na newsfeed at facebook wall mo lang ang iche-check mo, wag nang bisitahin ang wall niya. Stress yun. Kung my lumabas sa newsfeed na tungkol sa kanya, utang na loob, i-scroll down mo agad. Wag mo nang i-tempt ang sarili mo.

Kapag magpo-post o magtwi-tweet ka naman, siguraduhin mo ring positive thoughts ang ilalagay mo at hindi puro parinig at emo-emo. Dagdag stress ulit yun. Ikaw rin naman ang masasaktan kapag hindi niya napansin ang mga parinig mo eh, di ba?

At higit sa lahat, wag ka maghalukay ng kung ano-ano – regalo, picture, sulat o texts man yan na makakapag-paalala sa kanya. Pwede ba? Nagpapagaling ka pa, kaya magpirmi ka lang sa kama.

Kapag medyo okay-okay ka na, mag-ingat ka pa rin. Wag mong piliting lumabas at mamasyal kung talagang hindi pa kaya, baka mamaya makabunggo mo ang bago niyang jowa, magbungguan ang mga puso niyo at dumugo ulit ang sayo. Tandaan mo, ang puso niya ay protektado ng pagmamahal ng dati mong ‘bebe ko’, kaya siguradong hindi yun dudugo. At kapag nakita mo naman si dating ‘bebe ko’, pwede ba, wag kang tumitig at magpakita ng mapupungay na mga mata.. tandaan mong kaya naging mapungay yan ay dahil sa ilang araw na pagluha.

At kung sakaling masalubong mo man siya na hindi kasama ang bago niyang ‘bebe ko’, nakupo, wag kang magpanggap na naka-move on na at tatanungin mo pa kung kamusta na sila. At pagkatapos sasabihin mo pang ‘I am happy for you..’. Pwede ba? Walang medalya o ribbon para sa ‘The Greatest Pretender’ o reward para sa ‘Pinaka-mabilis Mag-Move-On na Ex’. Wag kang hibang, walang ganun. Kaya wag mong lokohin ang sarili mo at umiwas ka nalang. Hindi yun kaduwagan. Ang tawag dun, dignidad. Wag mo nang ipamuka sa sarili mo na ikaw yung naiwan, sapat nang ikaw yung nasaktan.

Pero kung talagang pasaway ka at magkasakit ulit ang puso mo, baka kailangang humingi na ng tulong sa doktor. Baka kailangan ng resetahan ng gamot ang puso mong mati-tipus na sa sobrang init. Baka hindi na pwede yung pahiga higa lang sa kama. Baka kailangan nang i-confine sa ospital at ng hindi na lumala.

Ang pag-ibig, ika nga nila, ay parang giyera. May retreat at surrender. Pag sugatan ka na at pagod na, retreat na. At pag wala nang dapat ipaglaban, surrender na. Wag nang makulit, wag nang ipilit.

Kaya kung ang pusong sugatan ay kailangang i-ospital, i-ospital. Kung kailangang i-confine, i-confine. Hindi yung sasabak ulit sa giyera. Baka mahirapan na yan tumibok, ikaw din, tigok ka.

Kaya pag may sakit, magpahinga. Dahil pag napupuwersa, lumalala.

Move on, move on din pag may time 🙂

photo © cainaaki.tumbler.com

Advertisements

2 Responses to "Move on, move on din ‘pag may time :)"

Nice one, galing!

Salamat po! May you enjoy the articles as much as I enjoy yours. Blessings! 🙂

You may leave a message my friend :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Horizon Ministries

Blog Stats

  • 11,292 hits

Follow me on Twitter

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,835 other followers

Flag Counter

Flag Counter

Shop @ LAZADA!

Lazada 160x600 1
%d bloggers like this: