Bieber Fever sa Tacloban

justn

Kahapon ko pa nakikita sa iba’t ibang social media ang mga picture ni JB (Justin Bieber) na nage-entertain sa mga Yolanda survivors sa Tacloban city. Hindi ko sure kung ano-ano mga kinanta niya, pero sure ako na sobrang natuwa ang mga tao dun. Hindi naman yun maitatago sa mga ngiti nila. At hindi lang mga kababaihan ang tuwang tuwa sa biglang pagbisita niya kundi pati mga kalalakihan. Game na game rin kasi siyang nakipaglaro ng basketball sa kanila. Kewl 😛 Continue reading “Bieber Fever sa Tacloban”

Advertisements

Oh My JANET!

C

 

Since keri naman maglaba habang nakikinig sa interrogation ng Blue Ribbon Committee sa mga whistle-blowers, gora lang. And in fairness, ang dami kong nalaman at natuklasan. Continue reading “Oh My JANET!”

PST!

time_by_thearne76-d4j1sjx

Greenery Bulacan. Yan ang lugar kung saan ako nag-celebrate ng birthday ko last year. Dun din kasi ang reception ng kasal ng dalawang kong kaibigan na nag-kaibigan. Ang galing nila pumili ng wedding date noh? December 21, birthday ko. Kaya after that, hiningi ko yung isang cake nila para yun na rin yung birthday cake ko. Tipid. Haha LOL 😀

That day was really tiring. Pero Masaya 🙂 Mga 10PM na natapos ang party and so that’s the only time I’ve checked my phone. And as (kind of) expected, flood. I rested for almost 30 minutes. And after that, still wearing my dress and make up, I dived into bed and replied to each text message patiently and genuinely. Pindot dito, pindot doon. Higa dito, upo doon. Text-text. Higa-higa. Pikit-pikit. Inantok na ako kaka-reply. I closed my eyes. Then it beeped again. I opened it. Then a smile painted on my lips. May humabol pa ng pagbati sa’kin, at sabi niya gusto daw niya siya ang huling babati sa’kin sa araw ng kaarawan ko. (Kung mabasa mo ‘to, hindi na kita papangalanan ha. Para kunwari confidential. Haha ;)) I was about to reply when I time-checked. Pasado alas dose na. Ibig sabihin, lagpas December 21 na. Ibig sabihin, hindi ko na birthday. Haha! And so I replied with my sweetest ‘thank you’ thru the phone and I said that I appreciate the effort, though it was a ‘fail’. Pwede na lang yung pagbati niya na advanced greeting for my next birthday. Hehe. Few minutes later, my phone beeped again. And I laughed out loud.

“Advanced lang po relo niyo, google time po gamit ko.” Continue reading “PST!”

Vote INTENTIONALLY!

Panahon na naman ng eleksyon. Sa totoo lang, kahit hindi ka pa botante, o hindi ka talaga botante dahil hindi ka nagpa-rehistro, paniguradong magiging aware ka na eleksyon na naman. Bakit? Eh sa bawat pagbukas mo ba naman ng telebisyon eh makakakita ka ng mga mukhang hindi masyadong pamilyar sa’yo dahil hindi mo naman nakikita sa mga soap operang inaabangan mo o hindi man lang nagiging guest sa mga palabas na kinagigiliwan mo, pero parang sikat na sikat. At minsan, may kasama silang sikat na artista. Para silang isang produkto na binebenta ng sikat na commercial model. Minsan din makikita mo sila sa mga tarpaulin sa kanto. Minsan mapapaisip ka pa kung anong brand ba ng toothpaste ang ineendorso nila sa ganda ng pagkaka-ngiti nila, pero mare-realize mong ang sarili pala nila mismo ang ineendorso nila.

At boom, alam mo na, eleksyon na. Continue reading “Vote INTENTIONALLY!”